top of page
bg tab.png

PAGLALAAN NG PONDO SA PRIBADONG OSPITAL: MAS MALAWAK NA SERBISYONG PANGKALUSUGAN PARA SA MGA ANGATENYO

Writer's picture: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Patuloy nating pinalalawak ang akses sa serbisyong pangkalusugan upang mas maraming Angatenyo ang makinabang. Bilang bahagi ng ating adhikain na masigurong may sapat na tulong medikal para sa lahat, naglaan tayo ng pondo para sa mga pribadong ospital tulad ng Twincare at Sto. Niño Hospital. Sa ganitong paraan, mas maraming kababayan natin ang maaaring makatanggap ng agarang at de-kalidad na pangangalagang medikal, lalo na sa mga panahong lubos itong kinakailangan.


Ang hakbang na ito ay patunay ng ating pangako na gawing abot-kamay at abot-kaya ang serbisyong pangkalusugan. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga pribadong ospital, tinitiyak natin na walang Angatenyong maiiwan—anumang estado sa buhay, may karampatang suporta at tulong mula sa pamahalaang bayan.

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page