top of page
bg tab.png

Paglikas ng 960 Angatenyong apektado ng Bagyong Karding, aksyon agad kay Mayor Jowar

Writer's picture: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Sa pamamagitan ng maagap na pagtugon ni Mayor Jowar Bautista at ng mahusay na koordinasyon ng mga ahensya ng Pamahalaang Bayan ng Angat ay naibsan ang pinsalang maaaring idulot ng Bagyong Karding sa mga Angatenyo na tumama sa probinsya kahapon, Setyembre 25 hanggang kaninang umaga, Setyembre 26.



Salamat sa agarang pag-aksyon ni Mayor Jowar dahil walang naitalang namatay o malubhang nasugatan sa pananalasa ni Karding sa Angat bagamat nagdulot ito ng malaking pinsala sa kabuhayan partikular sa mga sakahan at pananim.


Umabot sa 244 na pamilya o aabot sa 960 katao ang mabilis na dinala sa mga itinalagang evacuation centers at bingyan ng sapat na pagkain at iba pang mga pangangailangan.


Lubhang naapektuhan ng Bagyong Karding ang mga baranggay ng Laog, Marungko, Niugan, Sulucan, Sto. Cristo, Banaban, Binagbag, Sta. Cruz, San Roque at Taboc. Bukod sa pagkain ay binigyan ng mga kumot, unan at hygiene kits ang mga evacuees.

2 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page