top of page
bg tab.png

PAGPAPALAWIG NG “ANGAT KALUSUGAN”: BOLUNTARYONG GRUPO PARA SA SERBISYONG PANGKALUSUGAN

Writer's picture: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Pinalawak natin ang programang “Angat Kalusugan”, na naglalayong maghatid ng serbisyong pangkalusugan sa bawat barangay. Ang boluntaryong grupong ito ay binubuo ng mga residente, health workers, medical professionals na nagtutulungan upang magbigay ng libreng konsultasyon, gamot, at impormasyon tungkol sa tamang pangangalaga sa kalusugan.


Kabilang sa mga inisyatiba ang regular na medical mission, dental check-ups, at health seminars. Sa pamamagitan ng mga on ground health services, naihatid ang mga serbisyong medikal sa mga liblib na lugar at mas mabilis na natutugunan ang pangangailangan ng komunidad.


Ang pagpapalawig ng programang ito ay patunay ng malasakit sa kalusugan ng mga Angatenyo. Layunin nitong tiyakin na ang bawat residente, anuman ang lokasyon, ay may access sa dekalidad na pangangalagang medikal.

1 view0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page