![](https://static.wixstatic.com/media/9f3aef_247ad2cb90cf4ec5814f33b383b09ad3~mv2.png/v1/fill/w_980,h_652,al_c,q_90,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/9f3aef_247ad2cb90cf4ec5814f33b383b09ad3~mv2.png)
Isang malaking pagbati sa 31 magsasakang matagumpay na nagtapos sa 16-linggong pagsasanay sa Farmer’s Field School on Corn Production na ginanap sa ating Municipal Gymnasium!
Sa tulong ng Provincial Agriculture Office at Agricultural Training Institute, nagkaroon sila ng pagkakataong matuto ng makabagong kaalaman at kasanayan para sa mas produktibong pagsasaka.
Lubos ang ating pasasalamat sa mga opisyal na naging kaisa sa programang ito:
Punong Bayan Reynante S. Bautista
Vice Gov. Alexis Castro
PAO Ma. Gloria Carrillo
OIC-MAO Keanne Cyrene Mangcucang
Dir. Joey A. Belarmino (kinatawan ni Ms. Bea Soriano)
Kon. William Vergel De Dios, Kon. Wowie Santiago at Kon. Blem Cruz
Gayundin, isang malaking pasasalamat sa ating mga tagapagsanay mula sa Provincial Agriculture Office na sina John Jayson Manlapig at Allan Pastrana sa kanilang dedikasyon sa pagtuturo!
Comments