Sa Angat Municipal Gymnasium, isinagawa ang isang espesyal na pagdiriwang ng World Teacher’s Day upang bigyang-pugay ang mga guro ng bayan ng Angat. Ang mga guro, na itinuturing na gabay at tanglaw ng kabataan sa kanilang pag-abot ng magandang kinabukasan, ay binigyan ng karampatang pagkilala.
Pinangunahan ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, kasama si Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ang programa. Sa pagdiriwang, kinilala rin ang mga retiradong guro para sa kanilang di-matatawarang kontribusyon, sakripisyo, at dedikasyon sa larangan ng edukasyon.
Ang selebrasyong ito ay isang paraan ng pasasalamat at pagbibigay-halaga sa mga guro na patuloy na naglilingkod at nagmumulat ng isipan ng kabataan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.
Comments