Isa sa mahahalagang usapin ang tungkol sa pagpaplano ng taunang badyet o pondo sapagkat tinitiyak nito ang kaunlaran ng bayan. Ang ating pamahalaan ay sinisiguro na wasto at tama ang magiging alokasyon nito sa mga kaukulang programa para sa ating munisipalidad.
Nagsagawa ng isang pagpupulong sa Municipal Conference Room upang talakayin ang mga proyekto, programa at aktibidad na may kaugnayan sa preparasyon ng badyet ng Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF) para sa taong 2023. Kabilang sa mga dumalo ang mga Punong Barangay, Kalihim at Ingat-yaman ng bawat barangay, Gng. Belen S. Avestruz (MPDO), G. Carlos R. Rivera Jr. (MDRRMO), mga konsehal na sina Kon. Darwin Calderon, Kon. Andrew Tigas at Kon. Oscar Suarez.
Nakalaan ang LDRRMF upang tugunan ang mga kalamidad at sakuna sa pamamagitan ng mga programa sa pagbabawas ng panganib na dulot ng sakuna, mitigasyon, pag-iwas, at mga gawain sa paghahanda para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.
Comments