Magandang gabi po mga ka-barangay Sta. Cruz!
Patuloy po ang pag taas ng bilang ng kaso ng Dengue sa ating barangay na nakapagtala na ng 11 ayon sa Angat-RHU. Kaya mula po sa buong Sangguniang Barangay ng Sta. Cruz mahalagang paalala po, ibayong pagiingat at paglilinis ang kailangan ng ating kapaligiran at bahay dahil posibleng pamugaran ito ng mga kiti-kiti at lamok na syang pwedeng magdala at magdulot ng Dengue Virus.
Kaugnay po nito, kaninang umaga ay nakipanayam ang ating Punong Barangay Igg. Mille Cruz at Kagawad Igg. Melen Dizon Baltazar sa Angat-RHU lead by Dr. Emma Agustin-Bartolome kasama ang RHU officers. Ito ay upang talakayin at malaman ang kalagayan ng ating barangay at lugar tungkol sa kinakaharap na Dengue, at maging ang mga mabisang hakbang at gawain upang mapigilan at malabanan ito.
Naniniwala po kami sa kakayahan ng bawat isa, dahil sa magiging papel ninyo ay mabisa po nating makokontrol ang Dengue. Ang kooperasyong ito ay isang epektibong diskarte para sa matagumpay na mga interbensyon; ito ay responsibilidad na maaring ibahagi ng marami. Kalakip nito ay ang mga programang nakabatay sa pagsisikap na maproteksyunan ang komunidad. Kasama dito ang mga programang edukasyon na pangkalusugan para sa ating komunidad, at pamamaraang gaya ng fogging o spraying sa ating barangay. Ang mga gawaing ito ay nakakapagpataas ng kumpiyansa para sa ating kalusugan at maging sa kapaligiran upang mapanatiling ligtas mula sa Dengue.
Comments