Sa pagpasok ng unang araw ng buwan ng Disyembre, sinimulan na ang matagal ng plano ng ating Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista ang pagsasaayos ng ating Angat Municipal Gymnasium.
Sa tinagal-tagal ng panahon marahil maraming kaganapan, pagdiriwang o okasyon ang ginanap dito kaya nararapat lamang na ito'y pagandahin at ayusin sapagkat ito'y kapakipakinabang na pook para sa ating mga mamamayang Angateño.
Comments