Sumapit na ang unang linggo ng Disyembre at kasabay nito'y isinagawa ang lingguhang Flag Raising Ceremony na pinangunahan ng mga kawani mula sa Municipal Engineering Office sa harap ng ating Bahay Pamahalaan. Pagkatapos ng programa ay sinundan naman ito ng isang Banal na Misa sa pangunguna ni Rev. Msgr. Manuel B. Villaroman.
Ito ay dinaluhan ng ating Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, Sangguniang Bayan Members, Angat BFP, Angat PNP at mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan.
Naibahagi sa homilya, "Sa pagtutulungan, malaki ang nagagawa natin, sa pagsasama-sama malaki ang maitutulong natin"
"Pag nagiisa ka minsan mahina ka, humingi ka ng tulong sa ibang tao, sa panalangin ganyan din wala kang magagawa kung nag-iisa ka sa pananalangin pero kapag humingi ka ng tulong sa ibang tao sa pananalangin,tinitignan ng Diyos yan hindi ikaw lang, kundi ang mga taong nanalangin para sayo"
"Kailangan natin ang lakas ng Diyos at lakas ng ating kasamahan"
"Sa ating pagtutulungan kasama ang mga banal, ang salita ni Kristo makapangyarihan at ang kanyang gawa ay tunay na kahanga-hanga"
"Maganda yung sama-samang pagkilos sa paglilingkod sa ating paggawa ng mabuti sa ating kapwa"
- Rev. Msgr. Manuel B. Villaroman
Comments