Itinanim natin ang bagong yugto ng pagsasaka dito sa Angat—isang binhi ng pag-asa, progreso, at tagumpay
Ang mga farm machinery at equipment na mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund Program, sa pamamagitan ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization, at sa suporta ng tanggapan ni Senator Cynthia Villar opisyal na po nating tinanggap. Sa tamang paggamit, ito ang magpapatubo ng mas masaganang ani at mas maunlad na kinabukasan para sa ating mga magsasaka.
Libre po itong magagamit ng mga mangsasakang Angatenyo. Sa bawat pag-araro ng makinang ito, lilikha tayo ng mas magaan na trabaho at mas mataas na ani. Sa Angat, bawat pagkakataon para paunlarin ang agrikultura ay gagawin po natin.
コメント