Bilang tugon sa pangangailangan ng mas sustainable at modernong pamamaraan ng pagtatanim, itinatagang mga greenhouse facilities para sa mga magsasaka ng bayan. Ang proyektong ito ay naglalayong mapalakas ang produksyon ng gulay at masiguro ang pagkakaroon ng sariwa at abot-kayang ani para sa mga mamamayan.
Layunin din nito na makapagpababa sa gastos ng magsasaka sa produksyon ng pagtatanim sapagkat ang binhi ay nabibili sa mas mura ng 50% kumpara sa commercial price.
Sa pamamagitan ng greenhouse farming, mas napapangalagaan ang mga pananim mula sa mapaminsalang epekto ng panahon tulad ng matinding init, ulan, o bagyo. Nakatulong din ito upang mapalaki ang ani gamit ang mas kaunting lupa at tubig, habang napapanatili ang kalidad ng mga produkto.
Bukod sa pagpapatayo ng greenhouse, isinagawa rin ang mga pagsasanay para sa mga magsasaka ukol sa tamang pamamaraan ng pagtatanim sa ganitong sistema, pati na rin ang paggamit ng makabagong teknolohiya para sa mas epektibong produksyon. Ang proyekto ay naging daan din para sa pagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan at ibang miyembro ng komunidad na maengganyo sa agrikultura.
Patuloy ang ating pagsusumikap na gawing moderno, produktibo, at mas mapakinabangan ang sektor ng agrikultura sa Angat. Sa tulong ng greenhouse farming, sinisiguro nating magpapatuloy ang masaganang ani at maunlad na kabuhayan para sa bawat Angatenyo.�
Kommentare