top of page
bg tab.png

PAGTATAYO NG SUPER RHU: ALTERNATIBONG PAGAMUTAN PARA SA ANGAT

Writer's picture: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Upang mapalawak ang serbisyong medikal at masiguro ang agarang tulong sa mga nangangailangan, itinatag ang Super Rural Health Unit (Super RHU) sa bayan ng Angat sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Jowar Bautista. Ang Super RHU ay dinisenyo bilang isang modernong alternatibong pagamutan na kayang tugunan ang mga pangunahing pangangailangang medikal ng mga residente.


Nilalayon ng pasilidad na ito na magbigay ng mas komprehensibong serbisyo tulad ng libreng konsultasyon, diagnostic tests, minor procedures, maternal care, at pagbabakuna. Bukod dito, mas pinaigting ang kapasidad ng Super RHU sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas maraming medical equipment, gamot, at trained healthcare professionals upang matugunan ang mas malawak na saklaw ng mga pasyente.


Dahil sa mga mahihirap na pangangailangan sa pagtatayo ng isang ospital, sinikap natin na magkaroon ng pinakamainam, pinakamabilis at pinakapisbileng alternatibo sa pamamagitan ng Super RHU na napapakinabangan sa kasalukuyan.


Bukod dito, nagsikap ang pamahalaang lokal na maglaan ng pondo para sa TwinCare Hospital sa Angat upang makatulong sa mga gastusin ng mga pasyente na kinakailangang ma-admit o magpagamot doon. Sa ganitong paraan, nais tiyakin ng lokal na pamahalaan na ang bawat Angatenyo ay may sapat na suporta at akses sa mga serbisyong medikal kahit na wala pang pampublikong ospital sa bayan.


Patuloy tayong magsusumikap at gagawa tayo ng paraan upang sa mga susunod na panahon, makapagtayo tayo ng ospital para sa mas maayos at komprehensibong serbisyong pangkalusugan sa bayan.

1 view0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page