Ginanap sa Angat Municipal Gymnasium ang State of the Children Report na may temang “Break the Prevalence, End the Violence: Protecting Children, Creating a Safe Philippine.”
Pinangunahan ni MSWDO Menchie Bollas kasama ang mga opisyal ng bayan at iba’t ibang sektor, layunin ng programang ito na ipakita ang dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa proteksyon at karapatan ng bawat bata.
Ayon kay Mayor Reynante S. Bautista, “Buong buo din po ang aking suporta sa mga programa na alam kong makakatulong sa ating mga kabataan, maging ito ay inisyatiba ng ating sangay ng pamahalaan o kahit ng mga NGO. Mula sa mga batang ito magmumula ang mga susunod na lider na mamamahala sa ating bayan, magtuturo sa mga susunod na henerasyon at magpapanday ng maunlad na kinabukasan. Sila po ang susunod sa ating yapak kaya napakahalagang imulat at hubugin sila sa tamang paraan.”
Ang programa ay nagbigay-diin sa papel ng bawat isa sa lipunan upang maging huwaran ng kabutihan at gabayan ang mga bata sa tamang landas. Sama-sama nating gawing ligtas at makatao ang ating komunidad para sa kanilang kinabukasan!
留言