BASAHIN | PAGTUGON SA BAGYONG KRISTINE
Ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office ay tumugon sa pangangailangan ng mga nasalanta dulot ni Bagyong #KristinePH.
Binuksan ang pinto ng Municipal Evacuation Center upang magbigay pansamantalang tuluyan ang mga apektado ng bagyo. Ayon sa huling datos, nakapagtala ang MSWDO ng 9 na pamilya at 45 na indibidwa.
Ang MSWDO at MDRRMO ay agad na nagbigay ng mga probisyon at pagkain sa mga lumikas, katuwang ang RHU - Angat na nagbigay konsultasyon at gamot para sa mga nakararanas nang karamdaman.
Bumisita rin ang ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista kasama ang MDRRMC Vice Chairman Hon. ViceMayor Arvin Lopez Agustin upang malaman ang kalagayan ng mga nasalanta at tiyakin ang kanilang kaligtasan.
Sila ay nakipag kumustahan sa mga biktima at nakipag koordina sa dalawang ahensya (MDRRMO at MSWDO) upang malaman ang mga datos at kaukulang aksyon.
Sa kabilang banda, nakipag pulong si MDRRMC Chair Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista at MDRRMC Vice Chair Hon. ViceMayor Arvin Lopez Agustin kina G. Carlos Rivera Jr., MGDH1 - MDRRMO at Gng. Menchie Bollas - MSWDO Department Head, upang pag usapan ang naging sitwasyon sa Bagyong Kristine.
Nagbigay rin ng agarang tulong na bigas at malinis na inumin ang Serbisyong CongPleyto sa ilalim ni Hon. Salvador Aquino Pleyto ang ama ng ika-6 na distrito.
Isinarado na ang Municipal Evacuation Center at ligtas na naihatid ang mga naging biktima ni #KristinePH sa kanilang mga tirahan.
Taos puso at taas noong Pagpupugay sa mga tao na nagsakripisyo sa kanilang oras at iwanan ang kanilang mga tahanan upang paglingkuran ang mamamayanang Angateño!
תגובות