Bilang bahagi ng adbokasiyang mapalakas ang sektor ng transportasyon sa Angat, inilunsad ang mas pinaigting na pakikipagtulungan sa mga tricycle driver at operator. Layunin ng programang ito na bigyan sila ng suporta at pagkilala bilang mahalagang bahagi ng lokal na ekonomiya at transportasyon ng bayan.
Isang pangunahing hakbang ang taunang paglulunsad ng libreng seminar at training, sa pakikipagtulungan sa Land Transportation Office (LTO), na kinakailangan sa pagkuha ng lisensya. Malaki rin ang naging papel ng lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng tulong sa mga tricycle driver upang makuha nila ang kanilang lisensya at Motorized Tricycle Operator’s Permit (MTOP). Sa ganitong paraan, nabibigyan sila ng oportunidad na makapaghanapbuhay nang maayos at legal habang sinusunod ang mga alituntunin sa transportasyon.
Kasama rin sa mga inisyatiba ang regular na konsultasyon sa mga samahan ng tricycle driver upang mapakinggan ang kanilang mga hinaing at mungkahi. Pinagtibay ang mga ordinansa na naglalayong protektahan ang kanilang karapatan habang sinisiguro ang pagsunod sa tamang regulasyon. Bukod dito, isinagawa rin ang mga pagsasanay at seminar ukol sa road safety at customer service upang mapahusay ang kanilang serbisyo sa publiko at masigurong ligtas ang kanilang mga pasahero.
Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa sektor ng transportasyon. Layunin nito na matiyak na ang bawat Angatenyo ay may maayos, ligtas, at abot-kayang paraan ng paglalakbay habang pinapabuti ang kabuhayan ng mga tsuper. #AsensoAtReporma
Comments