top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Palit Basura pang Eskwela Project


Isang mapagpalang araw po sa ating lahat!!!


Magsasagawa po ang ating MENRO Angat ng isang proyekto na tatawaging PALIT BASURA PANG ESKWELA PROJECT "Basurang itatapon, papalitan ko.!"🌱 Hinihikayat po ang bawat eskwelahan sa elementarya sa proyektong ito upang matuto sila sa tamang pagtatapon ng basura. Isasagawa ito ng mga batang mag-aaral mula Kinder hanggang Grade I, II at III. Nakapaloob sa proyektong ito kung paano magsegregate o ang tamang paghihiwalay ng basura. Mayroon din itong karagdagang kapalit, dahil maaari natin itong maipalit ng mga gamit pang eskwela.


Siguraduhin lang po na tuyo ang mga plastik na inyong gugupitin at inyong ilalagay sa loob ng bote. Halimbawa po ng mga plastik na inyong gugupitin ay mga balat ng sitserya, balat ng kendi, sachet ng mga kape at gatas, mga plastic bag at iba pang uri ng plastik. Siguraduhin lang po na humigit sa 2 kilo ang laman ng isang bote ng 1.5 liters na plastic bottle at 1 kilo naman po sa 500ml na plastic bottle.


Nasa ibaba po ang mga sumusunod na talaan nang maaring ipalit ng basura.


2pcs of 1.5L Big bottles or 4pcs of 500ml small bottles

= 1 notebook or 2 pencils (maximum of 8pcs)


2pcs of 1.5L Big bottles or 4pcs of 500ml small bottles

= 1 pad of paper (maximum of 2pcs)


1 pc of 1.5L Big bottles or 2pcs of 500ml small bottles

= 1 sharpener


5pcs of 1.5L Big bottles or 10pcs of 500ml small bottles

= 1 crayon 16pcs (Max of 2pcs)


68 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page