Kahapon: Pebrero 13, 2023,
Ang Municipal Environmental and Natural Resources Office (MENRO) ng Angat ay matagumpay na naipamahagi ang 100 tray na punlang talong at sili na ngmula sa mga naipong mga tuyong plastic na basura na nakaugnay sa "Palit Basura Project".
Sa pakikipagtulungan ng bawat paaralan, barangay at mga mamamayan, nakaipon tayo ng 2,165 kilos ng mga tuyong plastic . Ito naman ay naipalit natin sa Green Antz Builders ng 100 tray na punlang talong at sili. Layunin ng proyektong ito na maipagpatuloy ang ganitong mga aktibidad kaya hinihikayat po namin ang lahat na ipagpatuloy po natin ang TAMANG PAG SESEGREGATE ng ating mga basura.
Comments