Pamahalaang Bayan, binisita at sinuri ang mga Proyekto sa Barangay Niugan
- Angat, Bulacan
- Mar 22
- 1 min read

Isinagawa ang programang “Umpukan at Ugnayan” sa Amisola Street at Fajardo Street ng Barangay Niugan upang kamustahin ang mga residente at suriin ang mga kasalukuyang proyekto ng pamahalaang bayan.
Pinangunahan ito ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, kasama sina Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at si Bokal Art Legaspi. Nakipagtulungan din ang Sangguniang Barangay ng Niugan, sa pangunguna ni Kap. Roberto Maximo, upang matagumpay na maisagawa ang programa.
Kabilang sa kasalukuyang proyekto sa Amisola Street ang:
Concreting ng Barangay Road (165 metro)
Drainage Canal
Comments