Ang Pamahalaang Bayan ng Angat ay buong pusong nakikiisa sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women. Layunin ng kampanyang ito na itaguyod ang karapatan ng mga kababaihan at wakasan ang anumang uri ng karahasan laban sa kanila.
Pinangunahan nina MSWDO Menchie Bollas, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, OIC Municipal Administrator Gia Janelle Vergel De Dios, mga SOLO Parent, at LLN mula sa ating bayan, isang makabuluhang programa ang isinagawa upang palaganapin ang kamalayan at pagkilos para sa mga kababaihan.
Comments