top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Pamahalaang Bayan ng Angat, Muling sumailalim sa Pagtatasa para sa SGLG National Assessment 2023



Muling sumailalim ang ating Pamahalaang Bayan sa pagtatasa para sa 2023 Seal of Good Local Governance (SGLG) National Assessment.


Ang 2023 Seal of Good Local Governance (SGLG) ay isang prestihiyosong parangal at sistema ng pagkilala sa mga lokal na pamahalaan na nagpapakita ng mahusay na pamamahala at paglilingkod sa kanilang nasasakupan. Ito ay binubuo ng 10 kategorya na sinusuri ang iba't ibang aspeto ng pamamahala, tulad ng kalusugan, kaligtasan, edukasyon at pangangalaga sa kalikasan.


Ang programa ay pinangunahan ni LGOO VII Atty. Judy Mar S. Dela Cruz, LGOO VII Karla Bernadette Aldea-Rolla na siyang kumilatis sa mga inihandang dokumento. Nakiisa din si Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia Ceso V at MLGOO VII Lydia Baltazar. Ibinahagi ng mga pinuno ng tanggapan ng kani-kanilang accomplishment report na sinundan ng on-site at table validation. Bago matapos ang programa ay nagsagawa naman ng exit conference ang mga dumalo.


5 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page