Ipinamahagi sa Angat Gymnasium ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Payout para sa dalawang daan at walumput walong (288) benepisyaryong Angatenyo. Ang nasabing programa ay pinangunahan ng Pamahalaang Bayan ng Angat, na nagpaabot ng pasasalamat sa pagbibigay ng tulong at suporta ng ating kinatawan ng ika-6 na Distrito, si Cong. Salvador Aquino Pleyto, kasama ang kanyang mga kawani.
Sa pagtatagumpay ng programang ito, naipakita ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang patuloy na pangangalaga at pagmamalasakit sa bawat mamamayan, lalo na sa panahon ng krisis at pangangailangan. Kasama sa mga dumalo at nagtagumpay sa nasabing programa ang mga opisyal ng bayan, kabilang ang ating Punong Bayan na si Reynante Bautista, Pangalawang Punong Bayan na si Arvin Agustin, at ang mga konsehal na sina William Vergel De Dios, Wowie Santiago, Blem Cruz, Darwin Calderon, at Andrew Tigas.
Sa pagkakaloob ng tulong na ito, mas lalo pang pinatatag ang ugnayan at pagkakaisa sa Bayan ng Angat, patunay na sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagmamalasakit, maaaring malampasan ang anumang hamon na hinaharap ng mga kababayan.
Comments