Pamamahagi ng DSWD-Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Payout na ginanap sa ating Evacuation Center and Isolation Facility sa San Roque, Angat, Bulacan.
Lubos po ang pasasalamat ng Pamahalaang Lokal ng Angat sa ating butihing Sen. Joel Villanueva sa kanyang pagkakaloob ng tulong pinansyal sa mahigit tatlong daan at apat dalawa (342) na miyembro ng Kabalingay Angat.
Ang programa ay dinaluhan ng kinatawan ni Sen. Joel Villanueva na si Chris Sarmiento, SK President Cyndi Pearl Valencia, ABC President Kap. Richard Cruz, Vice Mayor Arvin L. Agustin, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at ng ating butihing Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista.
Comments