
Pinangunahan ng Municipal Agriculture Office (MAO) sa ilalim ng pamumuno ni OIC MAO Keanne Cyrene Mangcucang ang pamamahagi ng 26 na grasscutter para sa mga magsasaka at 69 na fish nets para sa mga mangingisda sa bayan. Ang programa ay bahagi ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa sektor ng agrikultura at pangingisda upang mapalakas ang kanilang kabuhayan.
Dumalo sa nasabing aktibidad si Punong Bayan Reynante S. Bautista, kasama si Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at si Bokal Jay De Guzman.
Comentários