Isinagawa sa Municipal Conference Hall ang pamamahagi ng Livelihood Settlement Grant sa ilalim ng DSWD Sustainable Livelihood Program. Tumanggap ng tig-15,000 pesos ang 30 benepisyaryo na mayroong maliit na negosyo na naapektuhan ng bagyong Falcon at Egay.
Nakiisa sa programa sina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at Konsehal Darwin Calderon. Kasama rin ang mga kawani ng DSWD Region III na sina Edna Tulabut, SLP Provincial Coordinator; Nikko Dela Cruz, SLP Implementing PDO; Princess Angeles, CAPBUILD PDO; at Melvin Pimentel, SLP Monitoring PDO.
Ang nasabing grant ay bahagi ng adbokasiya ng pamahalaan na makatulong sa pagbangon ng mga maliliit na negosyong naapektuhan ng kalamidad at patuloy na magbigay ng suporta sa kanilang pag-unlad.
Comentários