Isinagawa sa Angat Municipal Gymnasium ang pamamahagi ng PhilHealth Member Data Record at ID’s kung saan 598 na Angatenyo ang nakatanggap ng kanilang PhilHealth ID.
Sa programang ito, nagbahagi si Arlene Bartolome, isang kawani ng PhilHealth, ng impormasyon tungkol sa mga benepisyo na maaaring makuha at magamit ng mga kababayan na nangangailangan ng serbisyong medikal at iba pa.
Dumalo sa nasabing aktibidad ang ating Punong Bayan na si Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan na si Arvin Agustin, at mga konsehal na sina Darwin Calderon, Wowie Santiago, at Ramiro Osorio. Kasama rin ang ating Municipal Health Officer na si Dra. Guillerma Bartolome at iba pang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Angat.
Comentarios