BABAD BA sa tubig ang iyong palayan? Aba, kaya pala ito inaatake ng brown plant hopper (BPH), ka-PALAY!
Dumarami ang pesteng kulisap na BPH kapag sobrang kapal ng tanim at laging babad sa tubig ang palayan.
Pinamumugaran din nila ang tanim na sobra sa pataba tulad ng nitroheno. Kapag sobra sa nitroheno, lumalambot ang suwi at dahon ng palay kaya madali itong atakehin ng BPH.
Nagdadala rin ito ng sakit na virus tulad ng grassy stunt at ragged stunt.
PAMAHALAAN ANG BPH:
· Makipagsabayan ng tanim at gumamit ng matibay na variety.
· Sundin ang tamang agwat ng tanim na 20cm X 20cm.
· Huwag magspray ng lason sa unang 30 araw pagkalipat tanim o 40 araw pagkasabog tanim upang dumami pa ang mga kaibigang kulisap.
· Iwasan ang sobra-sobrang paglalagay ng pataba lalo na ng urea.
· Magsagawa ng alternate wetting and drying na pagpapatubig (https://bit.ly/3woqdhQ)
Source: DA-PhilRice
ความคิดเห็น