top of page
bg tab.png

Panatang Makabata: State of the Children Report 2024

Writer's picture: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Sa likod ng bawat ngiti ng isang bata ay may kwento—kwento ng pangarap, ng pag-asa, at ng hinaharap na inaasam natin para sa kanila. Ngunit sa likod din ng ilang musmos na mata, may mga kwento ng sakit, takot, at kawalan ng kalinga. Kaya naman tayo ay nagtitipon hindi lamang para ipahayag ang estado ng ating kabataan, kundi para ipamalas ang ating panata na hindi natin hahayaan ang alinmang bata sa Angat na maiwan sa anino ng karahasan at kapabayaan.


Ang State of the Children Report 2024 bukod sa pag-uulat ay isang panawagan. Panawagan na sama-sama nating wakasan ang karahasang sumisira sa kanilang kabataan. Panawagan na bigyan natin sila ng isang ligtas, maunlad, at mapagmahal na lipunan kung saan bawat pangarap ay kayang abutin.


Ang araw na ito ay hindi lamang selebrasyon ng ating mga nagawa kundi pagpapatibay ng ating layunin— na sa Angat, walang batang maiiwan, walang karapatan ang malalabag, at walang pangarap ang mananatiling panaginip.


Simulan natin ang kwento ng pagbabago para sa ating mga anak—isang kwentong may tapang, malasakit, at pagkakaisa. Sapagkat ang tagumpay ng kabataan ay tagumpay nating lahat.


13 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page