Huwag po natin hayaang malagay sa peligro ang kalusugan at buhay ng ating mga anak. Makiisa sa Chikiting Ligtas! Pabakunahan ng dagdag bakuna kontra polio ang ating mga anak na 0-59 months old at bakuna naman laban sa rubella at tigdas ang mga anak natin na 9-59 months old.
Protektahan natin ang ating mga anak laban sa mga nakamamatay na sakit na ito. Dalhin sila sa pinakamalapit na barangay health center o itinalagang vaccination sites sa ating barangay o di kaya naman ay patuluyin ang team ng mga nurse at midwife na magbabakuna sa inyong mga tahanan. Ang mga bakunang ito ay libre, epektibo at ligtas kaya wala po kayong dapat ipangamba.
Magsisimula po ang pagbabakuna sa Mayo 1. Makipag-ugnayan lamang sa inyong mga health center para sa iba pang detalye.
Comentários