Sa pangunguna ng ating Municipal Social Welfare Development, naging layon ng ating talakayan ang mga mahahalagang hakbang upang mapangalagaan ang gender equality at child protection ng mga Angatenyo laban sa pang-aabuso at karahasan.
Ang pagpapalakas ng proteksyon para sa kababaihan at mga bata ay hindi lamang nagpapalakas ng kanilang indibidwal na karapatan at dignidad, kundi nagbubuo rin ng mas makatarungan at ligtas na lipunan para sa lahat
Comentarios