Dama n’yo na ba ang lamig ng simoy ng hangin? Halina at sabay-sabay natin salubungin ang pasko na puno ng sining at pagkamalikhain sa pamamagitan ng 𝑷𝒂𝒔𝒌𝒐𝒏𝒈 𝑨𝒏𝒈𝒂𝒕𝒆𝒏𝒚𝒐 𝑷𝒂𝒓𝒐𝒍 𝑴𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝑪𝒐𝒏𝒕𝒆𝒔𝒕 na may temang: “𝑺𝒂𝒓𝒊-𝒔𝒂𝒓𝒊𝒏𝒈 𝑲𝒘𝒆𝒏𝒕𝒐, 𝑰𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝑳𝒊𝒘𝒂𝒏𝒂𝒈: 𝒊-𝑨𝒏𝒈𝒂𝒕 𝒂𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒏𝒊𝒏𝒈𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒂 𝑲𝒘𝒆𝒏𝒕𝒐 𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒔𝒌𝒐𝒏𝒈 𝑨𝒏𝒈𝒂𝒕𝒆𝒏𝒚𝒐.”
MGA ALITUNTUNIN SA PAGLAHOK:
*Maaring sumali ang sinumang sector o grupo ng indibidwal
*Lehitimong residente ng bayan ng Angat
*Dapat mayroong patunay na ang kalahok ay residente ng barangay na kanilang kinakatawan
*Ang bawat barangay ay maaaring magkaroon ng isa o higit pang entries
MATERIALS: Ang parol na lilikhain ay dapat gawa sa 80% to 100% recyclable or indigenous materials
SIZE AND SHAPE Ang parol ng kalahok ay maaaring anumang hugis o porma. Ang sukat ng parol ay hindi dapat bababa sa 3 talampakan at hindi tataas sa 5 talampakan (3ft-5ft). Hindi kasama sa sukat na ito ang tassel o borlas
PRIZES:
Unang Gantimpala: ₱30,000
Ikalawang Gantimpala: ₱20,000
Ikatlong Gantimpala: ₱ 10,000
Plus Consolation Prizes
MGA PAMANTAYAN:
Konsepto at Kaangkupan sa Tema: 40%
Paggamit ng recycled/indigenous materials: 40%
Kalidad, Konstruksiyon, Itsura, Detalye, at Tibay: 20%
Kabuuan: 100%
SUBMISSION DETAILS:
* Kuhanan nang malinaw na litrato ang harap, gilid, at likod ng parol habang nakasabit at ipasa ang larawan sa inbox/messenger ng Jowable Youth FB Page https://www.facebook.com/JowableYouthAngat
* Ilakip sa ipapadalang entry ang PANGALAN, TIRAHAN, at CONTACT NUMBER
* Ang mga kwalipikadong parol entry at pagsasamahin sa iisang lugar upang piliin at kilatisin ng mga hurado
DEADLINE OF SUBMISSION: November 30, 2024
Para sa iba pang detalye, siguraduhing basahin mabuti ang larawang kalakip ng post na ito. Sumali na at makibahagi sa pagpapaningning ng Paskong Angatenyo!
Kommentare