Ngayong Kapaskuhan, ipinaabot natin ang mensahe ng pag-asa sa bawat pamilya at mamamayan. Ang temang “Paskong May Pag-asa, Hatid ng Asenso at Reporma” ay sumasalamin sa ating patuloy na pagsusumikap na magdala ng pagbabago at kaunlaran sa bawat sulok ng ating bayan.
Sa ilalim ng mga programang nagbibigay-asenso at nagtataguyod ng reporma, layunin nating bigyang-lakas ang bawat pamilyang nangangarap ng mas maliwanag na kinabukasan. Ang bawat proyekto at inisyatiba ngayong Kapaskuhan ay simbolo ng ating malasakit at dedikasyon para sa isang mas makatao at mas maunlad na komunidad.
Ang Pasko ay diwa ng pagbibigay, pagmamahal, at pagbibigay-liwanag sa buhay ng bawat isa. Sama-sama nating ipagdiwang ang tagumpay ng asenso at reporma na nagdadala ng pag-asa para sa lahat.
Maligayang Pasko mga Angatenyo!
Comments