Ang Philippine Statistics Authority (PSA) at Pamahalaang Bayan ng Angat sa pangunguna ni Mayor Reynante S. Bautista katuwang ang Sangguniang Bayan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Taga-Talang Sibil ay nagkaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) na maglunsad ng (LIBRE) Free Birth Late Registration under PhilSys Birth Registration Assistance Project (PBRAP).
Layunin ng proyektong ito na: 1. Mairehistro ang Birth Certificate ng lahat nang hindi pa nakatala sa Office of the City Civil Registry upang sila ay magkaroon at mapasali na sa PhilSys National Identification System. 2. Maitaas ang antas ng Pagtatalang Sibil o Civil Registration sa mga marginalized communities tulad ng mga Indigenous People, Muslim Filipinos at mahihirap na sector ng lipunan.
Paano magpalista sa PBRAP?
Magtungo sa aming opisina sa ika-6 ng Setyembre upang ibigay ang mga sumusunod na impormasyon:
PANGALAN ARAW NG KAPANGANAKAN LUGAR NG KAPANGANAKAN PANGALAN NG MAGULANG CONTACT NUMBER
Ang mga maililistang indibidwal at ibeberipika kung talagang hinfi pa nakarehistro ang kanilang pagkakasilang.
Comments