Nakiisa ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista sa pormal na pagpapasinaya ng Solar Powered Water System Level II with Filtration Project at ang bagong itinayong Multi-Purpose Covered Court sa Barangay Banaban. Ang mga proyektong ito ay handog ng kinatawan ng distrito, si Cong. Salvador Pleyto, bilang tugon sa pangangailangan ng komunidad.
Ang solar-powered water system ay magbibigay ng libre at malinis na tubig na magagamit ng mga residente sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Ito ay isang malaking hakbang tungo sa mas maayos at mas ligtas na kalagayan ng kalusugan ng mga mamamayan.
Nakiisa rin sa programa ang kinatawan ni Cong. Pleyto na si Kon. Badong Pleyto, kasama ang mga opisyal ng DPWH sa pangunguna ni District Engineer George Santos. Dumalo rin sina Bokal Jay De Guzman, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan at Barangay ng Banaban, bilang suporta sa proyekto.
Commentaires