top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Public Information, Education & Communication Campaign on Septage Management

Updated: Sep 8, 2022


"PUBLIC INFORMATION, EDUCATION & COMMUNICATION CAMPAIGN ON SEPTAGE MANAGEMENT with Angat Water District."


Republic Act of 9275 other known as the "PHILIPPINE CLEAN WATER ACT OF 2004."

Ang R.A 9275 Philippine Clean Water Act ay nilagdaan ng dating President Gloria Macapagal Arroyo noong March 22, 2004. Ito ay naging batas noong May 6, 2004. Ang layunin ng R.A 9275 ay para maprotektahan ang ating mga anyong tubig tulad ng ilog, dagat, sapa at iba pa at sa polusyon mula sa mga industrial, commercial, agricultural at mga residential. Ang batas na ito ay nagbibigay ng komprehensibong istratehiya upang mabawasan ang polusyon sa tulong ng mga stakeholders.


Upang makasunod sa isinasaad ng R.A 9275 ang bayan ng Angat ay nagpasa ng isang ordinansa ang Municipal Ordinance No. 2019-10 "AN ORDINANCE ESTABLISHING SEPTAGE MANAGEMENT SYSTEM IN THE MUNICIPALITY OF ANGAT." Nakasaad sa Section 6 na lahat ng may ari at gumagamit ng septic tank ay dapat na ipasipsip ang kanilang poso negro minsan sa loob ng tatlo hanggang limang taon o kung ang laman ng septic tank ay umabot sa kalahati, one third o three fourth ng kabuuang laman ng septic tank kung ano man ang mauna.


Ang lahat ng septic tank ay dapat accessible o madaling puntahan sa lahat ng oras. Dapat walang anumang istraktura ang nakatayo sa ibabaw ng septic tank. Ang mga hindi accessible na septic tank ay dapat iparepair, i-upgrade o palitan ng bagong septic tank.


Section 15 - Mga multa

ito ang multa sa mga lumalabag sa hindi pag payag magasipsip ng poso negro.


1. Unang paglabag - P1,500 2. Pangalawang paglabag - P2,500 3. Ikatlong paglabag - Pagbawi ng lisensya o business license para sa commercial establisment. ilalathala din sa website ng munisipyo ang mga pangalan ng mga tao o kompanya ng mga ilang ulit ng lumalabag sa ordinansa.


Kasama din natin ang ating Municipal Engineering Office sa pagpapaliwanag kung ano ba dapat ang standard sukat ng ating poso negro at kung saan ito ay dapat masunod at nitong September 01, 2022 ay nag nagsimula ng mag sisip ng poso negro ang ating Angat Water District sa lugar ng Sta. Cruz,


Kung kayo po ay may katanungan maari po tayong magbigay ng mensahe or magsadya sa kanilang opisana ng Angat Water District or bisitahin ang kanilang Website: angatwaterdistrict.com i-click and link para ma access ang kanilang tanggapan. #menro_angat















103 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page