Ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista ay aktibong nakiisa sa Workshop on the Formulation of Barangay Plan for Children, Gender and Development, Senior Citizen, PWD & Nutrition Plan na pinangasiwaan ng MLGOO Kyle Ernest Agay at katuwang ang MSWDO Menchie Bollas.
Ang pagsasanay na ito ay naglalayong maghatid ng tamang pagpaplano at implementasyon ng mga programang makabuluhan para sa bawat sektor ng ating komunidad. Dinaluhan din ito ng Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, Kon. William Vergel De Dios, OIC Municipal Administrator Gia Janelle Vergel De Dios, at ng mga barangay officials at volunteers mula sa ating bayan.
Muli, salamat sa ating mga lingkod bayan na tunay na nagmamalasakit para sa mas maayos at inklusibong serbisyo publiko!
Comments