Sa isang mainit na pagsalubong, tinanggap ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista ang mga guro mula sa Division of Cabanatuan City, Sta. Maria CM De Jesus Memorial School, Pulong Buhangin National High School at Parada Elementary School para sa isang espesyal na pagdalaw.
Ang mga guro mula sa Special Education (SPED) ay dumalaw upang magsagawa ng "bench marking" sa inobatibong pamamaraan sa SPED ng ating bayan. Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni Sir Elmark Joaquin, isang kilalang guro sa SPED at tagamasid pampurok na si Angelita Baltazar.
Ang pagbisita ng mga guro ng SPED ay naglalayong magbahagi ng mga makabagong pamamaraan at diskarte sa pagtuturo ng espesyal na edukasyon. Matapos ang produktibong pagpupulong, inaasahang magbibigay ito ng mas malalim na kaalaman at kasanayan sa pagtuturo para sa kinabukasan ng mga estudyanteng nangangailangan ng espesyal na atensyon sa kanilang pag-aaral.
Comments