Quarterly Meeting ng Management Committee ng Angat
- Angat, Bulacan
- Jul 4, 2024
- 1 min read
Nagtipon ang mga department heads ng lokal na pamahalaan para sa kanilang quarterly meeting ng Management Committee (MANCOM) upang talakayin ang mga mahahalagang programa at tungkulin na naisakatuparan ng bawat tanggapan. Layunin ng pagpupulong na mapatibay ang koordinasyon at pagtutulungan ng iba't ibang sektor ng pamahalaan upang maayos na maihatid ang mga serbisyo publiko sa mga mamamayan.
Pinangunahan ang pagpupulong ng ating Punong Bayan, Reynante S. Bautista, kasama sina Kon. William Vergel De Dios at Kon. Darwin Calderon. Ang kanilang presensya ay nagpamalas ng suporta at pagpapahalaga sa mga adhikain ng bawat tanggapan.
OTHER AGENDA
* Seal of Good Local Governance Profiling
* Selection Process and Criteria
* ELAS (Existence of Appropriation, Legality of Transacion, Approval, Submission of Proper�Evidence/Documentation)
Sa kabuuan, ang pagpupulong ay naging matagumpay at kapaki-pakinabang, nagbigay-daan upang mas mapabuti pa ang serbisyong pampubliko at magpatuloy ang magandang ugnayan sa pagitan ng mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan.
Kommentarer