Alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1236 S. 2021, ang Disyembre 30 (Biyernes) ay idinedeklara bilang isang REGULAR HOLIDAY upang gunitain ang ika-126 guning taon ng kabayanihan ng ating pambansang bayaning si GAT JOSE RIZAL.
Ipinapaalala ng araw na ito ang naging sakripisyo ng ating dakilang bayani upang makamit ang kalayaang tinatamasa mapagpasahanggang ngayon ng mga Pilipino mula sa kamay ng mga dayuhan.
Ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa pangunguna ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista ay nakikiisa sa paggunita ng mahalagang araw na ito.
Komentarze