Sa pamamagitan po ng tanggapan Cong. Ador Pleyto, patuloy po tayo sa pagbibigay ng karagdagang trabaho sa ating mga Angatenyo kahit sa sandaling panahon.
458 Angatenyos ang tumanggap ng P5,000 matapos ang 10 araw ng pagta-trabaho sa kani-kanilang barangay sa pamamagitan ng Tulong Panghanap-buhay sa Ating Disadvantaged/Displaced workers. Gusto po natin na ang mga kababayan natin ay may iba pang pagkukunan ng sapat na panustos sa araw-araw sa iba’t ibang oportunidad o pamamaraan.
Maraming salamat sa suporta Cong. Pleyto!
Comments