Tapos na ang taon, pero nagsisimula pa lang ang mas malalaking pangarap para sa kabataan!
Sa Year-End Assessment ng SK at LYDC, binalikan natin ang mga nagawa—mga proyektong nagmarka, kwentong nagbigay-inspirasyon, at tagumpay na sama-samang naabot. Pero higit pa rito, ginamit natin ang pagkakataong ito para paghandaan ang mas makabago, mas malikhain, at mas makabuluhang mga programa sa 2025.
Hindi lang ito pagsusuri, kundi isang panibagong simula para gawing mas aktibo at progresibo ang kabataang Angatenyo.
Comments