Ipinagdiriwang ngayong araw ang Kapistahan ni Sta. Monica sa bayan ng Angat. Ang buhay ni Sta. Monica—ang patron ng mga ina at mga babaeng may asawa—ay nagpapakita ng mahusay na halimbawa ng mayaman at mahigpit na pakikipag-ugnayan sa Panginoon. Nalampasan niya ang mga mabibigat na hamon sa buhay sa pamamagitan ng mataimtim na panalangin. Gaano man kabigat ang mga pagsubok na dumaan sa kanyang buhay ay hindi siya bumitaw sa pananalig sa Panginoon. Kaya naman siya ang itinakda ng simbahang Katoliko na tunay na modelo para sa mga ina at babaeng may-asawa.
Sa araw na ito, gunitain po natin ang kanyang naging buhay.
Maligayang Kapistahan, Sta. Monica Parish - Angat, Bulacan!
Comments