
Pinangunahan ng ating MLGOO Carla Marie Alipio ang nasabing pagpupulong katuwang sina Dir. Mryvi Apostol-Fabia, Ceso V (Provincial Director, DILG-Bulacan) DILG Lydia Baltazar, at DILG Mary Joy Nabor. Tinalakay sa pagpupulong ang pag aayos at paghahanda para sa paparating na Assessment for the Seal of Good Local Governance (SGLG).

Naroon sa programa ang ating Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin, Kon. William Vergel De Dios, at mga Pinuno ng Tanggapan ng ating munisipyo. Ito'y ginanap sa ating Municipal Conference Hall.
Ang SGLG ay isang programa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na may mithiing payabungin at palakasin ang mahusay at tapat na pagtupad ng mga tungkulin/gampanin ng mga lokal na pamahalaan.
Comentarios