
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | Ginanap nitong umaga ang ๐๐๐ข๐๐ฃ๐๐ง ๐ค๐ฃ ๐๐ง๐๐ซ๐๐ฃ๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ก๐ฉ๐ ๐๐๐จ๐ ๐ค๐ ๐๐๐๐ฃ๐๐๐ ๐๐ง๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฎ sa pangunguna ng Angat Rhu at ng DepEd Tayo - Angel M. Del Rosario High School - 306707, ika-28 ng Abril, 2023 sa AMDRHS Quadrangle.
Sa pambungad na pananalita ni ๐ฆ๐ถ๐ฟ ๐๐น๐ถ๐๐ฒ๐ผ ๐. ๐๐ฒ๐น๐ฎ ๐๐ฟ๐๐, Punong Guro I ng Angel M. Del Rosario High School, kaniyang pinaalalahanan ang mga mag-aaral na unahin ang pagpapayabong ng sarili at paghahanda sa kinabukasan bago pumasok sa pagpapamilya.
Ipinaliwanag ni ๐ก๐๐ฟ๐๐ฒ ๐ฅ๐ผ๐๐ฒ๐น๐๐ป ๐. ๐๐๐ฎ๐ป๐๐ถ๐ป๐ด ang kahalagahan ng #mentalhealth at kung paano malabanan ang mga pinagdaraanan ng mga kabataan ngayon. Gawing kultura umano ang pangungumusta dahil malaking bahagi ito ng pagbubuo ng tiwala at kagaanan ng loob ng kapwa.
Ibinahagi naman ni ๐ ๐ถ๐ฑ๐๐ถ๐ณ๐ฒ ๐๐น๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ . ๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ผ๐น๐ฎ ang kaso ng Teenage Pregnancy sa bansa. Kaniyang binigyang-diin na may tamang panahon sa pagkakaroon ng anak at dapat ay malaman ng kabataan na ang kanilang prayoridad sa ngayon ay ang pag-aaral.
Isang malaking pagkakataon ito sa mga Angelians dahil nasagot ang kanilang mga katanungan at naliwanagan ang kanilang mga isipan sa mga bagay na dapat ay may hangganan.
Comments