Isang masaya at makulay na Christmas Party ang idinaos ng Federation of Senior Citizen Association of the Philippines (FSCAP) sa Angat Municipal Gymnasium kamakailan. Pinangunahan ito ng FSCAP President na si Gng. Elisa Vicente at ng Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) na si Menchie Bollas.
Dumalo rin sa pagdiriwang ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista at Vice Mayor Arvin Agustin, na nagpaabot ng kanilang suporta at pagbati sa mga nakatatanda ng bayan. Ang programa ay puno ng saya, palaro, at maagang pamasko, na nagbigay ngiti sa bawat dumalo.
Comentários