Matagumpay na naisagawa ang Munisipyo sa Barangay (MSB) sa Barangay Donacion kung saan nakapagbigay ng iba’t ibang serbisyo mula sa pamahalaang bayan para sa 356 residente nito.
Ang programa ay pinangunahan nina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Pagkatapos ng programa, naglaan din sila ng oras upang personal na bisitahin ang 30 residente na may sakit at hindi makapunta sa venue upang maghatid ng assistive devices at food packs.
Ipinapaabot din ang pasasalamat kay Dra. Marivic Rimando Abelardo para sa food carts na nagbigay ng masasarap na pagkain para sa mga benepisyaryo. Bukod dito, kinilala rin ang tulong ng mga boluntaryo mula sa Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kap. Jessie Calderon, Punong Guro Griselda Sanglitan, Angat Eye Clinic, Samahan ng Angat Kalusugan, at iba pang mga doktor at dentista:
• Dra. Marivic Rimando Abelardo
• Dra. Ana Patricia Abelardo Capinpin
• Dra. Monette Del Rosario Melencio
• Dr. Primo de Guia
• Dr. Monina Manuel
Ang lokal na pamahalaan ay nagpaabot ng pasasalamat sa lahat ng nakibahagi upang gawing matagumpay ang MSB sa Donacion. Patuloy ang ating pagtaguyod ng serbisyong abot-kamay para sa lahat ng mamamayan.
Comments