Ang AnaKalusugan Patylist sa pangunguna ni Cong. Ray Florence T. Reyes (District 6) ay pormal na bumisita sa Tanggapan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista upang talakayin ang pagsasakatuparan ng proyektong "Super Health Center" na itatayo sa ating bayan.
Inaasahan din ang pagtulong ng AnaKalusugan Partylist sa pagbibigay ng serbisyo medikal sa ating mga kababayan. Magiging kapakipakinabang ito sa lahat upang matarget ang higit na may pangangailangang medikal sa ating bayan at patuloy na mapangalagaan ang kalusugan ng bawat Angateño.
Comments