
Isinulong ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang pagtatatag ng People’s Council bilang bahagi ng adbokasiya para sa participative governance. Ang konsehong ito ay binubuo ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan, kabilang ang kabataan, mga negosyante, manggagawa, magsasaka, kababaihan, senior citizens, at iba pang grupo, upang magkaroon sila ng direktang partisipasyon sa mga usaping panlipunan at pangkaunlaran ng bayan.
Sa pamamagitan ng People’s Council, mas titibay ang ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng mamamayan. Ang kanilang mga mungkahi at pananaw ay isasaalang-alang sa paggawa ng mga polisiya at programa, tinitiyak na ang bawat desisyon ng pamahalaan ay tumutugon sa tunay na pangangailangan ng mga Angatenyo.
Ang pagtataguyod ng bukas at inklusibong pamamahala ay isa sa mga pangunahing layunin ng ating administrasyon. Sa pamamagitan ng konsehong ito, ipinapakita natin na ang gobyerno ay hindi lang para sa tao, kundi kasama mismo ang tao sa paggawa ng solusyon at pagpapaunlad ng ating bayan. #AsensoAtReporma
Comentarios