
Social pension para sa mga senior citizens muling ipinamahagi. Nakatanggap ang isanlibong (1000) senior citizens ng kanilang pensyon para sa una at ikalawang quarter ng taon. Ninanais ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista na madagdagan pa ang bilang ng mga tumatanggap ng pensyon dito sa ating bayan. Kasabay nito ibahagi din niya ang mga programa at proyekto na higit na pakikinabangan ng mga mamamayang Angatenyos.

Nakiisa rin sina Vice Mayor Arvin L. Agustin, Kon. Darwin Calderon, Kon. Wowie Santiago, Kon. Ramiro Osorio at MSWD Menchie Bollas, mga Daycare Teachers at mga kawani ng Municipal Treasurer's Office. Ang pamamahagi ng pensyon ay isinagawa sa ating Municipal Evacuation Center.

Sana sa mga senior citizens na nandito ay maalala nyo po sana si Mayor Jowar na hindi umayaw para sa inyong lahat, hindi kayo kinalimutan at inaalala ko, binabalikan ko ang mga pinangako ko na gagawin ko at unti unti po natin matutupad ang mga pangarap natin para sa bayan ng Angat.
-Mayor Jowar
Comments