Nitong nakaraang Agosto 5 ay pinangunahan ng ating tanggapan ang paglulunsad ng kauna-unahang SOCIAL MEDIA MANAGEMENT & CONTENT CREATION TRAINING para sa mga piling kawani ng iba't ibang departamento ng Pamahalaang Bayan ng Angat.
Pinangunahan nina G. Hieri Del Rosario mula sa FPS Media at ni G. Rein Curibang, isang Guro mula sa Mataas na Paaralan ng Marcelo H. Del Pilar National High School Malolos ang pagbibigay ng kaalaman at kasanayan sa Social Media Management, Mobile Photography, Design Basics at kaunting pahapyaw sa News at Creative Writing.
Layunin ng pagsasanay na gabayan ang ating mga kawani at itaas ang kasanayan sa pag-uulat ng mga nilalaman ng kanilang gawain sa taumbayan. Bahagi ito ng ating hangarin para sa isang TRANSPARENT at ACCOUNTABLE na pamahalaan.
Batid natin na ang social media ang isa sa pinakamabisa at mabilis na paraan ngayon ng komunikasyon. Kaya naman minabuti nating ituro ang maayos at responsableng paggamit nito upang makipagtalastasan sa mga mamamayang Angatenyo at higit na mailapit ang ating serbisyo sa kanila.
Comments