Special Program for Employment of Students o mas kilala bilang SPES ay programa ng DOLE na naglalayong mabigyang pagkakataon ang mga kabataan na makapagtrabaho ngayong bakasyon at kumita ng karagdagang pantustos sa kanilang pag-aaral.
Buo ang suporta ng LGU Angat sa pangunguna ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista at Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin sa ganitong programa lalo pa nga't nakakatulong ito para maagang mamulat ang ating kabataan sa kahalagahan ng trabaho at kanilang kinita.
Comments